Aktibong lumahok at nakibahagi si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci sa isinagawang 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗿𝗼𝘃𝗲 𝗣𝗹𝗮𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴, bilang bahagi ng paggunita sa 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na nakaangkla sa temang “𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀: 𝑷𝒊𝒐𝒏𝒆𝒆𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒂𝒕𝒉 𝒕𝒐 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒗𝒆𝒓𝒚 𝑨𝒎𝒊𝒅𝒔𝒕 𝑴𝒐𝒅𝒆𝒓𝒏 𝑪𝒉𝒂𝒍𝒍𝒆𝒏𝒈𝒆𝒔 𝒐𝒇 𝑪𝒍𝒊𝒎𝒂𝒕𝒆 𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑭𝒐𝒐𝒅 𝑺𝒆𝒄𝒖𝒓𝒊𝒕𝒚”, na naisakatuparan sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na nasa ilalim ng pamumuno ni 𝗠𝘀. 𝗡𝗼𝗹 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗿𝗮 (𝗢𝗜𝗖-𝗖𝗖𝗖𝗗𝗢), katuwang ang 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹, ginanap sa Oriental Mindoro National High School, Mangrove Eco Park, nitong ika-4 ng Oktubre.
Nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang aktibidad na ito ang mga kasapi ng iba’t ibang kooperatiba sa Lungsod ng Calapan, kung saan sama-sama silang nagtanim dito ng Mangrove, kasama ang butihing Ina ng Lungsod.
Para kay Mayor Morillo, malaki ang maitutulong ng ganitong uri ng gawain para sa mga mamamayan, sa kalikasan at kapaligiran, maging sa Calapan na kanyang isinusulong na maging isang maunlad, mayabong at luntiang Lungsod.
“𝑰𝒕𝒐 𝒑𝒐𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊 𝒑𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏, 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒑𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒓𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒊𝒔𝒂 𝒂𝒚 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒈 𝒏𝒂 “𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚”, 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒖𝒚𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏.” — City Mayor Marilou Flores-Morillo
Samantala, naging bahagi rin ng sama-samang gawaing ito sina 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗶𝘀𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗧. 𝗚𝗮𝘀𝗶𝗰 (𝗖𝗖𝗖𝗗𝗖/𝗖𝗔𝗟𝗦𝗘𝗗𝗘𝗖𝗢 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻), at 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗔. 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗿𝗶𝗮𝘀 (𝗔𝗥𝗗, 𝗖𝗗𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔), kasama si 𝗠𝗿. 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗔. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘀𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗝𝗿. (𝗘𝗰𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿)