Produkto ng sampung araw na pagsasanay sa 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒔𝒉𝒐𝒑 na kabilang sa 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰, 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰, 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 ay itinanghal ang mga dance
steps na kanilang natutunan sa isang 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑺𝒉𝒐𝒘𝒄𝒂𝒔𝒆 na pinangasiwaan ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗢 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 sa pakikipagtuwang ni 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 𝗥𝗵𝗼𝗱𝗼𝗿𝗮 𝗕𝗲𝗹𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗷𝗮𝗯𝗼.
Sa kabutihang-loob ng pamunuan ng City Mall Calapan, sa kanilang Activity Center ay nabigyang-daan ang nasbaing aktibidad, Agosto 13, 2023.
Dahil ikinalulugod ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na makita ang talento sa pag-indak ang kanyang mga minamahal na Kabataang Calapeño, bagaman araw ng Linggo ay sinikap niyang maging kabahagi sa aktibidad.
Sinabi ni Mayor Malou sa kanyang mensahe na ang ganitong uri ng ay kabilang sa kanyang prayoridad, sa paniniwalang sa murang edad ay mahalagang madiskubre na ang talento ng isang indibidwal. Kanya ring ibinalik ang pasasalamat sa mga personalidad na naging bahagi ng pagsasakatuparan ng programa gayundin sa mga magulang at guardians na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak sa loob ng sampung araw ng pagsasanay. Sa mga susunod na taon ay maaasahan aniya na higit pang palalawakin ang programa.
Ayon naman kay Dance Coach Rhodora Barojabo, nararapat na ipagpasalamat ng mga Calapeño ang pagkakaroon ng lider na katulad ni Mayor Malou na tunay na nagbibigay ng serbisyong may kasamang pagmamahal katulad na lamang ng ganitong uri ng programa na naghuhubog ng personalidad at talento ng mga kabataan.
Mula sa grupo ng mga magulang ay nagbigay ng kanilang mensahe sina 𝗦𝘂𝘇𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗠𝗼𝗿𝗿𝗶𝘀, 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗽𝗮 at 𝗔𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀 na pawang nagpahayag ng lubos na pasasalamat sa natutunan ng kanilang mga anak mula sa TAMA Sports Clinic, Music, and Arts Workshop na City Government of Calapan.