Bucayao National High School Brigada Eskwela 2023

“𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒂, 𝑴𝒂𝒈𝒃𝒓𝒊𝒈𝒂𝒅𝒂 𝒏𝒂 𝑻𝒂𝒚𝒐”

Nagtungo at bumisita si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 para makiisa sa “𝑩𝑵𝑯𝑺 𝑩𝒓𝒊𝒈𝒂𝒅𝒂 𝑬𝒔𝒌𝒘𝒆𝒍𝒂 2023” na isinagawa nitong ika-14 ng Agosto.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad na ito ang dalawang Konsehala ng Lungsod ng Calapan na sina 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, at 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, kung saan nakadaupang palad nila rito sina 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗩. 𝗟𝗲𝗱𝗲𝘀𝗺𝗮 (𝑃𝑟𝑖𝑛𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝐼𝐼𝐼), 𝗝𝗵𝘂𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝗷𝗼 (𝑆𝐺𝐶 𝐶𝑜- 𝐶ℎ𝑎𝑖𝑟𝑚𝑎𝑛), at 𝗙𝗹𝗼𝗵𝗲𝗿 𝗢𝗰𝗮𝗺𝗽𝗼 (𝑆𝑃𝑇𝐴 𝑃𝑟𝑒𝑠𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡).

“𝑺𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒏𝒈𝒂, 𝒃𝒂𝒔𝒕𝒂’𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏, 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑩𝒖𝒄𝒂𝒚𝒂𝒐 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍, 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒕𝒐, 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒑𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝒌𝒐, 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏.” — City Mayor Marilou Flores-Morillo

Batid ng butihing Ina ng Lungsod na makatutulong ang naturang gawain para sa mga guro, magulang, at higit para sa mga mag-aaral, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.