LNK 2023: Kalusugan ng kabataan caravan

Sa pagtutulungan ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, naging matagumpay ang isinagawang 𝑲𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝑪𝒂𝒓𝒂𝒗𝒂𝒏 sa City Plaza Pavilion, ika-17 ng Agosto.

Ito ay bahagi ng mga programang inihanda para sa pagdiriwang ng 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 2023 na pinangungunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ni 𝗦𝗞 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼 at sa tulong ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼.

Dahil naniniwala si Mayor Morillo na kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan, minabuti ng Pamahalaang Lungsod na magbigay ng kaalaman tungkol sa 𝒕𝒆𝒆𝒏𝒂𝒈𝒆 𝒑𝒓𝒆𝒈𝒏𝒂𝒏𝒄𝒚, 𝑯𝒖𝒎𝒂𝒏 𝑷𝒂𝒑𝒊𝒍𝒍𝒐𝒎𝒂 𝑽𝒊𝒓𝒖𝒔 (𝑯𝑷𝑽), 𝑯𝑰𝑽/𝑨𝑰𝑫𝑺, at 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝑨𝒅𝒐𝒍𝒆𝒔𝒄𝒆𝒏𝒕𝒔.

Kaugnay nito handog din sa mga kabataan ang libreng 𝑯𝑷𝑽 𝑽𝒂𝒄𝒄𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝑯𝑰𝑽 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒔𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈, at 𝑫𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑪𝒂𝒓𝒆.