Isang araw ang nakalipas matapos ang madamdaming pagsalubong ng mga Mindoreño sa bagong Obispo ng 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒌𝒐 𝑩𝒊𝒌𝒂𝒓𝒚𝒂𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 noong Setyembre 4, sa imbitasyon ni 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 ay nagkaroon ng Testimonial Dinner in honor of 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗕𝗿𝗼𝘄𝗻, 𝗗.𝗗 – 𝗔𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹𝗶𝗰 𝗡𝘂𝗻𝗰𝗶𝗼 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝗮𝗻 𝗼𝗳 𝗗𝗶𝗽𝗹𝗼𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗿𝗽𝘀 at kasabay nito ay ang Welcome Reception for 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃. 𝗠𝗼𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗠. 𝗖𝘂𝗲𝘃𝗮𝘀, 𝗗.𝗗 – 𝗔𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹𝗶𝗰 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, isinagawa sa Balai Mindoro Convention Center, Bayanan I, Calapan City, Setyembre 5, 2023.
Muli ay dinaluhan ito ng mga Pari mula sa iba’t ibang Dioceses sa Isla ng Mindoro, Batangas at Zamboanga, mga Madre, Lingkod-Layko, mananampalataya at kapamilya ng bagong Obispo. Naroon din ang ilang mga pulitiko sa pangunguna ni Governor “Bonz” Dolor kasama ang kanyang kabiyak na si 𝗠𝘀. 𝗛𝗶𝘆𝗮𝘀 𝗚𝗼𝘃𝗶𝗻𝗱𝗮 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗷𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻 at ilang miyembro ng Provincial Board.
Mula sa Lungsod ng Calapan ay naimbitahan din si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿𝘀 na sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶 at 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗲𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗰𝗵𝗼𝗻. Nakita rin sa nasabing okasyon presensya ni 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻, 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻.
Pinaka-tampok sa programa ay ang tribute para kina His Excellency, Most Reverend Charles John Brown at His Excellency Most Reverend Moises Cuevas na kinapapalooban ng Investiture of Sablay, Conferment of Token of Gratitude, Ceremonial Toast at pagbibigay ng mensahe ng dalawang matataas na opisyales ng Simbahang Katoliko.
Samantalang pinangunahan din nina Governor Bonz at Vice Governor Ejay ang Turnover of the Ceremonial Key to the Province para kay Bishop Moi.
Tanda ng malugod na pagtanggap ng mga Mindoreño sa mga panauhin ay isang masayang salo-salo ang inihanda para sa kanila habang inaaliw sa mga musika at pagtatanghal mula sa mga mahuhusay na performers ng lalawigan.
Ang pagdalo ng Ina ng Lungsod ng Calapan na si Mayor Malou Flores-Morillo ay nagpapakita ng kanyang marubdob na pagtanggap ng mga Calapeño sa bagong talagang Obispo.