Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Crab farming in Calapan – Calapan City Official Website

Crab farming in Calapan

Personal na bumisita si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa Barangay Wawa upang makita ang mga nahuling alimango o king crabs matapos ang 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘁 𝗖𝗿𝗮𝗯 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 na pinasinayaan ng 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, ika-23 ng Agosto.

Kasalukuyang nasa ilalim ng 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 𝑮𝒓𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒓𝒆𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 ang Blue Alliance Ph at si 𝗠𝗿. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗼 na nagbigay daan upang maging pilot site nila ang nasabing pond para sa crab farming.

Katuwang naman ng Blue Alliance ang Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗾𝘂𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀, at ang international company na 𝗕𝗹𝘂𝗲𝘆𝗼𝘂.

Sa mga hakbang na ito, pinag-aaralan ng Blue Alliance ang pagpapanatili ng crab farming at inaasahan na ito ay magiging daan upang makapaglunsad pa ng mga hatcheries para sa mga mangingisda sa Lungsod ng Calapan.

Magkakasama naman kanina sina 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗕𝗼𝗻𝗶𝗳𝗮𝗰𝗶𝗼 𝗧𝗼𝗯𝗶𝗮𝘀, 𝗙𝗠𝗢 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿-𝗶𝗻-𝗖𝗵𝗮𝗿𝗴𝗲 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, at 𝗠𝘀. 𝗚𝘂𝗶𝗹𝗹𝗲𝗺𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼 — 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗾𝘂𝗮𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝘁 mula sa Blueyou na naguna sa paghaharvest ng mga alimango.