“𝑴𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒑𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒆 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒏,” — iyan ang mensahe ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 matapos ipagkaloob ang mga libreng prosthetic leg para sa 𝟭𝟬 Calapeñong nabibilang sa 𝑷𝑾𝑫 𝑨𝒎𝒑𝒖𝒕𝒆𝒆 nitong ika-23 ng Agosto.
Bakas sa mga ngiting namutawi sa mga benepisyaro ang pagsibol ng bagong pag-asa para sa kanila at maging sa kanilang pamilya. Anila, mas magiging maalwan na ang kanilang pamumuhay dahil unti-unti ay makakatayo na sila ulit sa sarili nilang mga paa.
Ang mga prosthetic legs ay mula sa 𝗔.𝗟. 𝗕𝘂𝗲𝗻𝗮𝘃𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗜𝗻𝗰𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 na katuwang ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 sa paglulunsad ng maibalik ang mga displaced body parts ng mga PWD upang matulungan sila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Gayundin, naging posible ang naturang gawain dahil na rin sa Ina ng Lungsod na si Mayor Morillo, sa pamamgitan ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗴𝘂𝗮 𝗝𝗿., 𝐻𝑒𝑎𝑑 𝑜𝑓 𝑃𝐷𝐴𝑂.
Kasabay ng gawain, sumailalim na din sa casting and measurement ang walong Calapeñong Amputees na sunod na makatatanggap ng libreng prosthetic leg.