Upang direktang malaman ang mga problemang kinakaharap sa kanilang palaisdaan ay personal na nakipag-diyalogo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa ilang fishpond operators sa Lungsod ng Calapan, ginanap sa Conference Room ng New City Hall Complex, Barangay Guinobatan, Calapan City, Agosto 26, 2023.
Kabilang sa mga dumalo mula sa hanay ng mga nagpapalaisdaan ay nagmula sa Barangay Baruyan, sila ay sina 𝗠𝘀. 𝗖𝗵𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝘀𝗽𝗶 at 𝗠𝗿. 𝗚𝗶𝗹 𝗖𝗹𝗮𝘃𝗲𝗿𝗶𝗮, samantalang mula Barangay Tawagan ay nandoon din sina 𝗠𝗿. 𝗥𝗮𝘆 𝗚𝗼𝗰𝗼 at 𝗠𝗿. 𝗚𝗶𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗥𝗮𝗳𝗮.
Dito ay naipaabot ng mga nasa Inland Fisheries Sector ang kanilang mga pangunahing suliranin tulad ng talamak na pagtabag ng lupa mula sa mga karatig na lote gayundin sa pampang ng lawa.
Problema din nila ang hindi pa sementadong daan patungo sa kanilang palaisdaan na nagpapahirap sa paglalabas ng kanilang mga produkto.
Matapos mapakinggan ang mga pahayag ng kanyang mga kababayan ay agad ibinigay ni Mayor Malou ang kanyang katugunan.
Bilang kagyat na tugon ay kanyang sinabi na may mga kausap na siyang investors na handang mamuhunan at naghahanap ng lupang maaaring rentahan upang gawing palaisdaan, dahil dito aniya ay magagamit na ang mga nakatiwangwang lamang na espasyo. Kanya ring ipinabatid na sa pamamagitan ng resolusyon ay gagawing mandatory para sa mga establisyemento ang pagtatanim ng mangrove sa bahagi ng Caluangan Lake. Dito ay sinabi ni 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴, 𝐺𝑟𝑒𝑒𝑛 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝑜𝑓 𝐶𝑎𝑙𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑒𝑟 na may nakahanda nang inisyal na isanlibong bakawan at maaari na itong itanim sa kanilang lugar.
Ayon pa sa Punong lungsod kanya na ring iminungkahi na maipasaayos ang 𝒇𝒂𝒓𝒎 𝒕𝒐 𝒎𝒂𝒓𝒌𝒆𝒕 𝒓𝒐𝒂𝒅𝒔 sa mga nabanggit na barangay gayundin ang planong paglalagay ng mga karagdagang puerto (port) sa mga lugar na pinangagalingan ng mga 𝒂𝒒𝒖𝒂𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒅𝒖𝒄𝒕𝒔.
Naging bahagi rin ng talakayan ang iba pang konsernadong department heads na kinabibilangan nina 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝐿𝑒𝑔𝑎𝑙 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝑂𝐼𝐶- 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝐹𝑖𝑠ℎ𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 kasama si 𝗠𝗿. 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗖𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝑇𝑟𝑎𝑑𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑛𝑑𝑢𝑠𝑡𝑟𝑦 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗝𝗦 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 kasama si 𝗠𝗿. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗔𝗴𝘂𝘁𝗮𝘆𝗮.