𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Sinimulan na kahapon, Agosto 28, ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 ang paglalatag ng 𝑪𝑶𝑴𝑬𝑳𝑬𝑪 𝒄𝒉𝒆𝒄𝒌𝒑𝒐𝒊𝒏𝒕𝒔 sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Hudyat ito ng pagsisimula ng election period para sa 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 at 𝗦𝗞 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀.
Kasabay nito ang pagtiyak ng kapulisan ng pagsunod ng publiko sa pinaiiral na gun ban. Mahigpit na pinaalalahanan ang lahat ng mga mamamayan na ipinagbabawal na ang pagdadala ng anumang uri ng baril o mga bagay na pwedeng gamitin para sa karahasan, maliban lamang sa mga may pahintulot ng COMELEC.
Mahaharap sa isang taon (1) hanggang anim na taong (6) pagkakakulong ang sinumang mahulihan ng baril na 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗻 𝗯𝗮𝗻 𝗲𝘅𝗲𝗺𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 o 𝑪𝒆𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑨𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓𝒊𝒕𝒚 mula sa 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗮𝗻 𝗼𝗻 𝗙𝗶𝗿𝗲𝗮𝗿𝗺𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀 (𝗖𝗕𝗙𝗦𝗖).
Hiniling ng lokal na pamahalaan ng Calapan sa pamumuno ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ni 𝘊𝘢𝘭𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘊𝘗𝘚, 𝘖𝘳𝘪𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘔𝘪𝘯𝘥𝘰𝘳𝘰 𝘗𝘳𝘰𝘷𝘪𝘯𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦𝘳 – 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗟𝗢 𝗨 𝗗𝗥𝗜𝗭 𝗝𝗥, ang kooperasyon ng publiko sa ipinatutupad na alituntunin upang maiwasan ang anumang aberya sa kalsada.
Ang COMELEC Gun Ban ay magtatagal hanggang Nobyembre 29, 2023.