Monthly city school board meeting

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙. 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓, 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮 ang buwanang pagpupulong ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 nitong ika-19 ng Setyembre.

Dito ay iniulat ni 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑬𝒏𝒈𝒊𝒏𝒆𝒆𝒓 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮 ang kasalukuyang estado ng pagpapatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad sa iba’t ibang paaralan na kalakip ng 𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑭𝒖𝒏𝒅. Sa ngayon, natapos na ang repair and maintenance ng mga gusali at pasilidad ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗕𝗶𝗴𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, at 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.

Napagkasunduan naman sa pagpupulong ang resolusyon para sa request ng Supplemental Budget na ilalaan sa mga pangangailangan ng iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Samantala dumalo din sa pagpupulong si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑩𝒖𝒅𝒈𝒆𝒕 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓, 𝗟𝗼𝗿𝗶𝗲𝘁𝗮 𝗔. 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮, at 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆𝒓, 𝗡𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 𝗗.𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴.