‘Piso’ para sa mga Lolo at Lola, handog ng pamahalaang lungsod sa Aruga-Kapatid Foundation

Ika-22 ng Setyembre, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙. 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗢. 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻, nagtungo

ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa 𝗛𝗼𝗺𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗴𝗲𝗱 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 – 𝗔𝗿𝘂𝗴𝗮-𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗜𝗻𝗰. upang ipabatid ang pangako na magbibigay-tulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng inisyatibong “𝑷𝒊𝒔𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑳𝒐𝒍𝒂 𝒂𝒕 𝑳𝒐𝒍𝒐”.

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagdiriwang ng 𝟭𝟮𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆: 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒍𝒂𝒔𝒂𝒌𝒊𝒕, inilunsad ng CHRMO ang Piso para sa mga Lola at Lolo kung saan araw-araw ay nag-aambag ng piso ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lungsod na mapupunta naman sa pambayad ng mga bills ng nasabing Home for the Aged Center.

Nagpasalamat naman si 𝗠𝗿. 𝗟𝗶𝘁𝗼 𝗖. 𝗩𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝗮 — 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, dahil sa tulong na pinapaabot ni City Mayor at ng Pamahalaang Lungsod sa mga lolo at lola ng Aruga-Kapatid Foundation.