INDIGENOUS KNOWLEDGE & MULTICULTURALISM CLASS, IDINAOS SA LUNGSOD NG CALAPAN!

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na sinimulan ang pagbubukas ng aktibidad na pinamagatang “Indigenous Knowledge & Multiculturalism Class”, bilang bahagi

ng pagdiriwang para sa 17th Founding Anniversary of City College of Calapan, kung saan ito ay nakaangkla sa temang “Mangyan Halcon Tamaraw Films: A Road Tour for the Care of the Environment People and Culture of the Island of Mindoro”, ginanap sa CCC Kalap Hall, nitong ika-14 ng Marso.
Sa pakikiisa ng Ina ng Lungsod, Malou Morillo, nagbahagi siya rito ng isang makabuluhang mensahe na nakatuon sa paghihikayat na pahalagahan at pangalagaan ng bawat isa ang iniingatang yamang sining ng Lalawigan ng Oriental Mindoro at ng Lungsod ng Calapan.
“Inaanyayahan ko ang bawat isa na magsanib pwersa, upang maitaguyod at maprotektahan ang likas na yaman at kultura.” – Mayor Malou F. Morillo
Kaugnay rito, tampok sa gawaing ito, bilang guest speaker ang “Award Winning Travel Photographer”,”Pacific Asia Tourism Association (PATA) Gold Awardee” at “Winner of 2011 National Geographic Photo Contest Places Category” na si G. George Tapan.
Sa idinaos na exhibit, damang dama ang emosyon at mensaheng ibig ipabatid ng iba’t ibang mga likhang sining dito, katulad ng koleksyon ng mga natatanging imahe ng kuhang litrato at pintang larawan ng mga mahuhusay na visual artist, kung saan binigyang daan dito ang pagsasagawa ng film viewing at pagbabahagi ng mga kaalaman.
Samantala, ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ng City College of Calapan, sa pamumuno ni College Administrator, Dr. Ronald F. Cantos, sa inisyatiba ni G. Omar E. Uycoque kung saan dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa City College of Calapan (CCC), Mindoro State University (MinSU), Divine Word College of Calapan (DWCC), Baco Community College (BCC), at Oriental Mindoro National High School (OMNHS).
Dagdag pa rito, kaisa at naging bahagi rin ng makabuluhang aktibidad na ito si G. Florante D. Villarica (Local Historian), gayundin ang mga kasamahan ng punong-lungsod sa Team TAMA na nagpakita rin ng pagsuporta rito.