66TH PUBLIC LIBRARY DAY: PAGPAPALAKAS SA MGA PAMPUBLIKONG AKLATAN SA LUNGSOD NG CALAPAN, ISINAKATUPARAN!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “66th Public Library Day”, na nakaangkla sa temang “Public Libraries in Action: Blueprint of an Empowered Community”, matagumpay na idinaos

ang symposium na pinamagatang “Innovative Synergies: DICT & DOST Best Practices on Empowering Public Libraries” na naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Public Library of Calapan, sa pamumuno ni City Librarian Ms. Claire P. Benter, RL, MLIS, ginanap sa Lungsod ng Calapan, nitong ika-12 ng Marso.
Ang isinagawang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Reading Center (BRC)-in-charge at Bachelor of Library and Information Science (BLIS) on-the-job trainees mula sa City College of Calapan, kung saan dalawampu’t dalawang (22) BRC ang nakatanggap ng karagdagang library resources mula sa Book Allocation Program (BAP) ng National Library of the Philippines na nagkakahalaga ng ₱1,235,801.20.
Dito ay pinangunahan ni Ms. Jesmine Mikaella S. Cuasay, Project Technical Aide I mula sa Department of Science and Technology (DOST), ang komprehensibong pagtalakay sa “Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station (STARBOOKS)”, kung saan ito ay ang “First Philippine Science Digital Library”, dahil naka-digitalize ang library resources, kasama ang iba pang mga information materials na inilalagay sa stand-alone kiosks.
Dagdag pa rito, sinundan ito ng makabuluhang presentasyon, kaugnay sa mga mandato ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng digital transformation at innovation, sa pangunguna ni Mr. Keanu M. Oracion, Project Development Officer II, DICT.
Kaugnay nito, nilalayon ng programang ito na itampok ang kahalagahan at kapakinabangan ng pampublikong-aklatan na maaaring makapag-ambag sa epektibong pagkamit ng kalakasan at katatagan ng mga komunidad.