KAY MAYOR MORILLO — KITA AT DAMA, KALINGA NG ISANG INA!

Pagbababa ng malawak na serbisyo para sa Calapeno — sa pamamagitan ng Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan,

nabibigyang katuparan!
Daang residente mula sa Barangay Silonay at karatig barangay nito ang napaglingkuran ng Pamahalaang Lungsod kaagapay ang iba’t ibang tanggapan, departamento at opisina nitong, Martes, ika-11 ng Marso.
Suporta at tulong medikal, payong legal, dental services, libreng gamot, libreng bakuna, kalinga para kina lolo at lola, pagtugon sa pangangailangan ng mga kabataan hanggang katandaan — ilan lamang ito sa mga naihandog ng naturang Caravan.
Matapos maisagawa ang Caravan, personal namang nakadaupang palad at nakamusta ni Mayor Malou Flores-Morillo ang mga naroroong residente at mamamayan, na dumulog din sa Ina ng Lungsod ng kanilang iba pang pangangailangan