KASALANG PANLALAWIGAN 2025

Sabayang ‘I do’ ngayong Feb-ibig month! 53 couples, ang nakiisa sa Kasalang Panlalawigan na isinagawa sa Calapan City Zoological and Recreational Park sa Barangay Bulusan, ika-14 ng Pebrero. Sa inisyatiba ni

Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor at ni First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, binigyang daan ng Pamahalaang Panlalawigan ang Sabayang ‘I do’ ng mga magsing-irog kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day 2025. Pinangunahan ni Hon. Executive Judge Josephine Caranzo ang nabanggit na Kasalang Panlalawigan kasama sina Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, Vice Governor Ejay Falcon, Doc PA Hubbert Dolor, BM Fay Ilano-Navarro at iba pa. Sa pakikiisa at pagsuporta ng Ina ng Lungsod sa naturang gawain, kanyang ibinahagi ang mensaheng, “Hangad namin ang inyong matibay at malalim na pagsasama, na may gabay at basbas ng ating Panginoon. Ikinagagalak kong maging bahagi ng inyong pag-iisang dibdib at pagtataling puso.’ — City Mayor Malou Flores-Morillo Nagpaabot din si Mayor Malou ng mumunting regalo para sa mga newly-weds.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791