Huwebes, ika-6 ng Pebrero, sa Camilmil Multi-purpose Hall, nakiisa si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo sa selebrasyon ng ‘International Year of Cooperatives (IYC) 2025’. Sa pagdalo ni Mayor Malou sa
nasabing aktibidad, kanyang binigyang pagkilala ang kahalagahan ng mga kooperatiba sa kabuoang pag-unlad ng lipunan at pangkalahatang katatagan ng kabuhayan na siya namang daan sa mas magandang kinabukasan ng taumbayan. Ang gawaing ito ng IYC ay pinaniniwalaang makapagpapalakas ng public awareness campaign pagdating sa mga kooperatiba, gayundin ay pagsusulong at panghihikayat sa mga kabataan na makiisa sa mga cooperative movement, na magreresulta sa mas mabuting kalagayan ng lipunan na kanilang pamumunuan at kabibilangan pagdating ng takdang panahon. Dinaluhan ang nabanggit na selebrasyon ng iba’t ibang kooperatiba, tanggapan, ahensya, departamento, opisina at mahahalagang indibidwal na nakasuporta at talaga namang nagpupursige para sa pagpapatatag ng hanay ng kooperatiba sa MIMAROPA.











