Matagumpay na binigyang daan ang paglagda para sa isang Memorandum of Understanding, sa pagitan ng SAMPACA Credit Cooperative, CALSEDECO Multi-Purpose Cooperative at Pamahalaang Lungsod ng Calapan,
sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kaugnay sa proyektong pinamagatang “SUPPORT FOR ENHANCEMENT, EXPANSION AND DIVERSIFICATION OF BUSINESS OPERATIONS OF COOPERATIVE AND MSMEs (SEED)”, ginanap sa Calapan City Hall, Office of the City Mayor, ngayong ika-24 ng Enero. Nakapaloob sa naturang MOU ang pagpapatupad at mga responsibilidad ng bawat partido kaugnay sa proyekto, kung saan sa pagpapatuloy ng hakbang na ito, nilalayon ng proyektong ito na mapataas ang economic movement sa Lungsod ng Calapan, bigyang lakas ang mga kooperatiba sa pakikipagkumpitensya, at paramihin ang mga sektoral na kooperatiba na nakikibahagi pagdating sa fisheries, poultry, dairy, handloom, artifacts, sericulture at iba pa. Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Mr. Denisardo Gasic (Chairman of CALSEDECO), Mr. Antonio Arellano (Chairman of SAMPACA), at President, People’s Council of Calapan City, Ms. Doris G. Melgar, gayundin ng mga opisyales ng People’s Council na sina Mr. Heribert Quialquial at Mr. Virgilio Binay.




