Ceremonial Turn-Over of Livelihood Materials for the Kababaihan of Bayanan II

Ang Sako Eco-Bag Making ay isang ‘upcycling project’ sa ilalim ng Green City Program, kung saan ang mga gamit nang sako ng bigas ng Jollibee at

McDonalds Food Corp ay siyang magiging pangunahing raw material sa nabanggit na livelihood project.

Ayon sa Ina ng Lungsod, malaking tulong sa ating kapaligiran at kalikasan kung ang mga ganitong uri ng gawain ay masisimulan, ipagpapatuloy at mapapanatili.

“From waste into more functional and improved product.” – City Mayor Malou Flores Morillo (Sako Eco-Bag Making). Nasa aabot na 500 sako ang maibibigay ng ating mga katuwang sa proyektong ito, kada linggo.

Naroroon at nagpakita ng suporta ang buong Sanguniang Barangay ng Bayanan 2,

Restaurant Managers ng Jollibee Food Corp sa lungsod ng Calapan, Finance Comm. ng Pamahalaang Lungsod: MR. Basilan, Mr. Catapang, Ms. Galicia, Ms. Gaud na kumatawan kay Mr. Bautista, Ms. Djonna Albufera na kumatawan naman kay EnP Benter (CTID), Ms Isay, at Mr. Willy Landicho (City ENRO) bilang kaagapay sa lahat ng environmental initiatives ng Green City Project.

Tinatayang nasa mahigit kumulang Php 170, 000.00 ang halaga ng ibinigay na Sewing Machine at lahat ng mga kagamitan na kakailanganin sa nasabing proyekto.

Abot langit na pasasalamant naman ang ipinaabot ng Samahan ng mga Kababaihan ng Bayanan 2, sa biyaya at suporta na kanilang natanggap lalong higit mula sa Ina ng Lungsod.

Green City Team: EnP Elizabeth Abogado – Team Lead, Ms. Junie Rose Gahol – GAD Focal person, Ms. Djonna Albuferra – from CTID, Ms. Mina Lanto – COS CGC.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791