Nasa 283 na magsasaka ng Lungsod ng Calapan ang nakatanggap ng Fertilizer Discount Voucher na may kabuuang halaga na
₱1,642,013 sa isinagawang FDV Distribution, para sa pangalawang batch ng mga benepisyaryo nito na naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, katuwang si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, ginanap sa Calapan City Hall, Kalap Court, Barangay Guinobatan, nitong ika-10 ng Enero.
Sa panimulang buwan ng kasalukuyang taon, damang dama at kitang kita ang pagmamahal at malasakit ng Punong-lungsod, Malou Morillo sa kanyang pagsisikap na maibigay para sa mga masisigasig na magsasaka ng lungsod ang kanilang mga pangangailangan, bilang tugon sa hamon ng makabagong panahon, sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng CASD sa kanyang pamumuno.