RMFB 4B Battalion advisory group meeting

Muling nagtipon ang mga miyembro ng 𝗕𝗮𝘁𝘁𝗮𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿𝘆 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 𝗕𝗮𝘁𝘁𝗮𝗹𝗶𝗼𝗻 𝟰𝗕 para sa isang pagpupulong na pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na siya ring 𝑪𝒉𝒂𝒊𝒓𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 ng BAG, ika-19 ng Setyembre.

Ilan sa mga agenda ng nasabing pagpupulong ay ang kinalabasan ng isinagawang Outreach Program at mga susunod pang gawain para buwan ng Setyembre hanggang Disyembre.

Kabilang sa mga susunod nilang aktibidad ay ang Youth Bootcamp na inaasahang maisagawa sa Lungsod ng Calapan — sang-ayon sa rekomendasyon ng Punong Lungsod, Medical at Dental Mission, Tree Planting, at Pamaskong Handog.

Nakasama naman ni Mayor Morillo sina 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍𝒐𝒓 at 𝑩𝑨𝑮 𝑽𝒊𝒄𝒆 𝑪𝒉𝒂𝒊𝒓𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗴𝘂𝗮, at 𝑫𝒆𝒑𝒖𝒕𝒚 𝑭𝒐𝒓𝒄𝒆 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒂𝒏𝒅𝒆𝒓 at 𝑹𝑴𝑭𝑩 4𝑩 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒊𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒐𝒖𝒑 𝑪𝒉𝒂𝒊𝒓𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡 𝗟𝗔𝗖𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡.