Sa katatapos lamang na 2024 MIMAROPA Regional Population and Development Conference na isinagawa nitong ika-26 ng Nobyembre, binigyang pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Iginawad ang PopDev Planning Excellence Award at PopDev Initiative Implementation Award kina Ma. Teresita Nieva Bolor, MD – City Population and Development Officer-Designate, at Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo.
Ang parangal na nataggap ng Pamahalaang Lungsod ay resulta ng komprehensibong paglalatag ng mga plano at paglalaan ng karampatang pondo, gayundin ang pagtatalaga ng mga indibidwal, na sadya namang may puso sa pagseserbisyo, na dahilan kung bakit patuloy na napapatupad at napapalawig ang iba’t ibang programa at proyektong para sa kagalingan ng mga mamamayan.
“Dedikado at epektibong mga tao, namumunong may puso sa buong komunidad, epekto ay may katuturan at positibo.” — Dr. Ma. Teresita N Bolor, Calapan City Population and Development Officer-Designate.