Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at Acting City Administrator at City Legal Officer, Atty. Rey Daniel S. Acedillo, kasama ang mga kinatawan mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB), matagumpay na isinagawa ang Service Contract Agreement (SCA) signing, kaugnay sa Public Utility Vehicle Service Contracting (PUVSC) Program Phase 5, ginanap sa Calapan City Hall, nitong ika-18 ng Nobyembre. Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11975, o mas kilala bilang General Appropriations Act (GAA) ng 2024, naglaan ng One Billion Three Hundred Million Pesos (Php 1,300,000,000.00), upang mapahusay ang antas ng serbisyong ibinibigay sa mga ruta sa pamamagitan ng pag-aalok ng performance-based payouts sa mga operator ng Public Utility Vehicle (PUV) na naglalayong hikayatin ang mataas na pamantayan ng serbisyo at pagandahin ang pangkalahatang karanasan sa pagko-commute para sa publiko, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Service Contracting (PUVSC) Program