AKAP Payout

Sa pakikipagtulungan ni Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, matagumpay na naisakatuparan ang “Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP)” Payout noong Nobyembre 13 sa City Mall, Barangay Ilaya. Sa tulong ni Speaker Martin G. Romualdez, nakatanggap ng ₱3,000.00 ang 244 na

benepisyaryong Calapeño. Ang programa ay isinagawa sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng Serbisyong TAMA Center (STC), City Social Welfare and Development Department (CSWDD), Community Affairs Office (CAO), at katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagpapasalamat ang mga benepisyaryo dahil malaking tulong ang ayuda para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at kabuhayan.