Mainit na tinanggap ng lungsod ng Calapan ang mga turista mula sa Coral Geographer Expedition Cruise Ship, na dumating kamakailan dala ang mga bisita mula
Australia. Sa pangunguna ng Calapan City Tourism, Culture and Arts sa pamumuno ni Tourism Officer Christian Gaud, masayang sinalubong ang mga turista at sinamahan silang maglibot sa mga kilalang atraksyon ng lungsod. Isa sa mga pangunahing aktibidad ang pagdayo at paglangoy sa Harka Piloto, pagtuklas ng likas na yaman sa Silonay Mangrove Conservation Ecopark, at pagbisita sa Oriental Mindoro Heritage Museum upang masaksihan ang mayamang kasaysayan at kultura ng Oriental Mindoro.
Nagpapasalamat naman ang pamahalaang lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo sa Coral Geographer Expedition at sa lahat ng mga turista dahil ang kanilang pagdating ay isa sa nagbibigay-inspirasyon sa Calapan LGU upang patuloy na palakasin ang turismo, sapagka’t nakatutulong din ang mga ganitong aktibidad sa hanapbuhay ng mga Calapeño at Mindoreño.