Ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro at National Food Authority ay magkatuwang sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ating mga lokal na magsasaka ng palay sa Calapan, partikular sa marketing nito, kaya naman matagumpay na isinakatuparan ang nilagdaang Memorandum of Agreement para sa “Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU)” sa bisa ng Resolusyon Blg. 309 ng Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Calapan. Ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng karagdagang (P2.00) per net kilogram on top of the existing government support price na ₱23.00-30.00 kada kilo ng butil ng palay na sumusunod sa mga pamantayan ng kalidad ng NFA na silang bibili nito mula sa mga magsasaka, kaya naman nitong ika-22 ng Oktubre, personal na inabot ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa NFA Oriental Mindoro Branch, sa pangunguna ni Mr. Dennis N. Mejico (Acting Branch Manager) ang nasa kabuuang halaga na ₱2,000,000.00 na pondo, katumbas ng 1,000 MT para sa Wet Season ng 2024. Layunin ng nasabing programa na tulungan at bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka, upang mapakinabangan ang kanilang kita at maiangat ang kanilang katayuan, kaya naman ang lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department na pinamumunuan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, katuwang si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico ay nagsusumikap para sa pagsasakatuparan ng TAMAng programa at aktibidad para sa mga Calapenong magsasaka.