BBM CLUSTER KICK-OFF, IDINAOS SA CALAPAN

BBM (BAYANAN-BIGA-MALAD) CLUSTER KICK-OFF, IDINAOS SA CALAPAN Nitong ika-18 ng Oktubre, nagtungo ang kasalukuyang Hepe ng City Agricultural Services Department (CASD) na si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay Malad, Lungsod ng Calapan, para personal na daluhan at saksihan ang first-ever “BBM (Bayanan-Biga-Malad) Cluster Kick-Off Ceremony 2024”, alinsunod sa direktiba ni DA Secretary, Francisco P. Tiu Laurel Jr.. Ang pagtatatag ng pilot 1,000 ektaryang rice cluster ng Department of Agriculture sa Oriental Mindoro ay naglalayong mas palakasin at pahusayin ang produksyon ng bigas, sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa, koordinasyon, at kooperasyon ng mga stakeholder, kung saan sinasabing sa ilalim ng BBM Cluster, ang mga benepisyaryo na binubuo ng Farmers’ Associations (FA) at Irrigators’ Associations (IA) ay makatatanggap ng suportang interbensyon.