BARANGAY CARAVAN: SERBISYONG TAMA AT MABUTING PAMAMAHALA, IPINAGPAPATULOY AT IPAGPAPATULOY PA!

Mailapit at maibaba ang mga serbisyo para sa Calapeño — sa pamamagitan ni City Mayor Malou Flores-Morillo, posible po! Daang residente ng Brgy. Salong at karatig barangay nito ang napaglingkuran ng Pamahalaang Lungsod kaagapay ang iba’t ibang tanggapan, departamento at opisina nito, Miyerkules ika-16 ng Oktubre, sa ginanap na ‘Serbisyong TAMA para sa Barangay’ Caravan.