Pamahalaang Lungsod, naghandog ng mga equipment sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Calapan City

Patuloy nating isinusulong ang isang makatao at maayos na kapaligiran para sa ating mga Persons Deprived of Liberty (PDLs). Kaya naman ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay naghandog sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Calapan City ng mga equipment na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na operasyon at serbisyo.

🖥️ 1 Desktop Computer Motherboard

🖨️ 1 Epson L120 Printer

🌀 15 Ceiling Fans

Ang mga ito ay makatutulong upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga PDLs at maipatupad ang mas epektibong serbisyo ng BJMP. Patuloy tayong magiging katuwang sa pagtaguyod ng makataong pagtrato at pagkalinga sa ating mga kababayan na nasa loob ng piitan. Nagpapasalamat din po ako sa ‘Best District Jail Warden ng 2024’ na si JAIL CHIEF INSPECTOR RANDIE C ABRIL, Acting District Jail Warden, dahil sa kanyang dedikasyon at malasakit sa kanyang tungkulin.