Elderly Filipino Week National Celebration 2024

Lubos po ang aking kagalakan na makasama kayong muli sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week National Celebration 2024 kasama ang United Senior Citizens Association of Calapan City (USCACCOM, Inc.). Ang inyong mainit na pagtanggap ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa akin. Bilang Ina ng ating lungsod, kayo po ay lagi naming prayoridad sa bawat hakbang ng ating administrasyon. Ang inyong tiwala at suporta ay aking ramdam na ramdam, at patuloy tayong magtutulungan upang mas mapalago pa ang ating mga programa at serbisyo para sa inyong kapakanan. Maraming salamat po at mabuhay ang ating mga nakatatanda!