Pamilihang Lungsod ng Calapan na kinilalang 2nd Place na Best Public Market sa PBBM Awards 2024

Malugod po nating binabati ang Pamilihang Lungsod ng Calapan na kinilalang 2nd Place na Best Public Market sa PBBM Awards 2024 o Pamilihang Bayan ng Bidang Mamimili! Isang malaking karangalan po ito para sa ating lungsod, patunay ng inyong malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga mamimili. Binabati ko rin si City Economic Enterprise Officer EnP. Nepo Jerome Benter sa kanyang mahusay na pamumuno, at sina Vilma Roldan, Jennifer Mendoza, at Maricel Zamora sa kanilang walang kapantay na serbisyo at katapatan bilang mga huwarang manininda. Ang inyong sipag at determinasyon ay inspirasyon sa lahat ng naghahanapbuhay at nagtitiwala sa ating pamilihan. Mabuhay kayong lahat!