Pamilihang Bayan ng Bidang Mamimili PBBM Awards 2024

Humakot ng natatanging parangal at pagkilala ang Pamilihang Bayan ng Calapan City at ang mga kinatawang manggagawang lumahok sa patimpalak, sa idinaos na ‘Pamilihang Bayan ng Bidang Mamimili PBBM Awards 2024’ ng Department of Trade and Industry (DTI) na ginanap sa Vencio’s Garden Hotel and Restaurant, Barangay Tawiran, Calapan City, noong ika-4 ng Oktubre, kung saan dinaluhan ito ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Economic Enterprise Department Officer, EnP. Nepo Jerome G. Benter.