CALAPAN CITY FIRE SUB-STATION, BINUKSAN SA LUNGSOD NG CALAPAN

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naisagawa ang Ribbon Cutting Ceremony, bilang pormal na pagbubukas sa Calapan City Fire Sub-Station sa Barangay Calero, Calapan City, noong ika-2 ng Oktubre. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina FSSUPT EDWIN P VARGAS, DSC, Regional Director, BFP MIMAROPA, FSSUPT NONILON L MACASADIA II, DSC, Provincial Fire Marshal, BFP OrMin at FCINSP REYNALDO A DELOS SANTOS, City Fire Marshal, Calapan Fire Station, gayundin ng mga hepe mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan na sina City DRRM Officer, Mr. Dennis T. Escosora at CEED Officer, EnP. Nepo Jerome G. Benter. Inaasahan na sa pamamagitan nito, mas mapaiigting at mapalalakas pa ng ahensya ang pagseserbisyo, upang masiguro ang kaligtasan at proteksyon sa sunog, tungo sa kahandaang mapag-ingatan ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan ng Lungsod ng Calapan.