Bilang bahagi ng selebrasyon para sa World Tourism Month 2024, ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Tourism, Culture and Arts Office, sa pamumuno ni Supervising Tourism Operations Officer, Mr. Christian E. Gaud, katuwang ang Samahan ng Masisipag na Residente ng Tawagan para sa Turismo (SMARTT), ay matagumpay na binigyang-daan ang pagpapasinaya sa Newly Constructed Building ng SMARTT, ginanap sa Barangay Tawagan Port, Calapan City, nitong ika-27 ng Setyembre.