LIBRARY IN A BOX: STARBOOKS TURNOVER AND DEPLOYMENT CEREMONY, ISINAGAWA SA MALAD ELEMENTARY SCHOOL

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, binigyang-daan ang “STARBOOKS (Science & Technology Academic and Research – Based Openly Operated Kiosk Station) Turnover and Deployment Ceremony” sa Malad Elementary School sa Barangay Malad, Lungsod ng Calapan, nitong ika-23 ng Setyembre. Sa pamamagitan ni Engr. Delfin C. Cuevas Jr., napagkalooban ng Desktop ang Malad ES, samantalang ang mismong software naman nito ang binigyang tuon ng Department of Science and Technology (DOST) – MIMAROPA, sa pangunguna ni Mr. Jesse M. Pine (Provincial S&T Director). Matatandaan na nitong nagdaang Enero ng taong kasalukuyan, sa ilalim ng administrasyong Morillo, pinasinayaan at ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang isang bagong gusali, para sa Malad ES.