Expanded Health Program sa Brgy. Panggalaan at Patas

Pagpapadama ng malasakit para sa mga Calapeñong nangangailangan ng tulong at suporta para sa

pangangalaga sa kanilang kalusugan, ito ang ninanais ni City Mayor Marilou Flores-Morillo na mangyari, kaya naman nitong ika-17 at 19 ng Setyembre, nagtungo naman ang grupo ng mga health care worker ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Brgy. Panggalaan at Brgy. Patas, upang ilapit sa mga residente ang Expanded Health Program.