124th PCSA Celebration

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Malou Flores-Morillo, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan

ang “CGC Coastal Cleanup Activity” noong Setyembre 20, 2024, sa Barangay Balite – Tibag Coastal Area. Pinangunahan ito ng City Human Resource Management Department, sa pamumuno ni CHRM Officer Roland O. Punzalan, bilang bahagi ng Week 3 ng Linggo ng Malasakit sa Kalikasan. Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ito ay isinagawa bilang pakikiisa sa ika-124 anibersaryo ng Philippine Civil Service, na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes.”