MOA SIGNING NG 4 NA UNIT NG LEVEE MAKER PARA SA GRUPO NG MAGSASAKANG CALAPEÑO

Pinangunahan at sinaksihan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang aktibidad ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA), sa pagitan ng Department of Agriculture-PhilMech at apat na grupo ng magsasaka sa Lungsod ng Calapan, para sa ipagkakaloob na apat na yunit ng levee maker, ginanap sa Calapan City Agricultural Demonstration Center, Barangay Biga, nitong ika-5 ng Setyembre. Inaasahan na makatatanggap ng nasabing levee maker ang Farmers Association ng Barangay Balingayan, Bayanan II, Comunal at Gulod, kung saan malaki ang maitutulong nito, para sa mga magsasaka, upang mas higit na mapaunlad pa ang kanilang kabuhayang pang-agrikultura.