PAGPAPATULOY NG DISTRIBUSYON NG HEALTH EMERGENCY ALLOWANCE (HEA) PARA SA MGA CALAPENO BHWs

Ika-26 ng Hulyo, sa Calapan City Hall, matagumpay na isinagawa ang pagpapatuloy ng distribusyon ng Health Emergency Allowance (HEA) para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) ng Calapeno na pinangunahan ni Mayor Malou Flores-Morillo.

Sa kanyang talumpati, nagbahagi siya ng mensahe ng pasasalamat at pag-asa para sa mga health workers, kasabay ng anunsyo ng mga paparating na proyekto na tiyak na makatutulong sa buong komunidad.
Ayon kay Mayor Morillo, ang distribusyon ng HEA ay bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga BHWs na siyang nasa unahan ng serbisyo publiko lalo na sa panahon ng pandemya.
Bukod sa financial assistance, ibinahagi rin ng Alkalde ang mga bagong proyekto na inlulunsad ng lokal na pamahalaan, kabilang na ang mga inisyatibong magpapalakas sa sektor ng kalusugan at iba pang serbisyong pampubliko. Layunin ng mga proyektong ito na mas mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan at masiguro ang kanilang kaligtasan at kagalingan.
Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ng mga BHWs ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Morillo at sa lokal na pamahalaan. 💜