“Diving Spot — meron din po kami nyan dito sa karagatan ng Calapan!” – Calapan City Mayor Malou Flores Morillo.
Kaugnay ng pahayag na ito, huling araw ng Hulyo matagumpay na naisagawa ang turnover ng diving equipments na tinanggap ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo at nagmula naman sa ABS-CBN Foundation.
Ilan lamang sa diving equipments na ibinigay sa City Government of Calapan ay, Diving fins/Flippers, Underwater Camera, Diving Mask & Snorkel, Books & Hand-outs at iba pa.
Pormal na tinanggap ito ng Ina ng Lungsod, FMO, Bantay Dagat at ilan pang konsernadong kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Hindi maisasakatuparan ang katagumpayan ng nasabing turnover kung hindi dahil sa mga dedicated individuals na kinabibilangan nina Ms. Ellaine Diomampo – Project Manager (ABS-CBN Foundation), Ms. Sara Agcaoili – Program Manager Bantay Kalikasan (ABS-CBN Foundation), MS. Roberta Feliciano – Managing Director ABS-CBN Foundation, Ms. Christine M. Pine (Provincial Agriculturist), Ms. Gianna Nakpil, at iba pa.
Matapos pormal na maibigay sa Pamahalaang Lungsod ang naturang diving equipments, agad rin itong iniabot ng Alkalde sa Fisheries Management Office sa pamamahala naman ni FMO OIC Robin Clement Villas.
Paniniwala ni Mayor Malou, magiging malaking asset sa turismo ng lungsod, kung maisasakatuparan at mapagtatagumpay na maging diving spot din ang ating mayamang karagatan, bukod sa mga kilala ng diving destination sa Puerto Galera.
Ang hakbang aniyang ito ay magandang stepping stone para sa pagpapasigla ng turismo dito sa Calapan.