Aktibong nakiisa sa pagtuturo si City Mayor Marilou Flores-Morillo para sa (57) kabataan ng Barangay Guinobatan na aktibong nakilahok sa aktibidad
na “Arts & Crafts Workshop and Basic Reading Enhancement for Children” na isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Public Library of Calapan, sa pamumuno ni City Librarian Ms. Claire P. Benter, RL, MLIS, ginanap nitong ika-23 ng Hulyo.
Ang aktibidad ay nakaangkla sa temang “Crafting your Way: A Personalized Artistic Journey” at “Reading Booster’s: Strengthening Comprehension and Vocabulary”, kung saan ito ay bahagi ng pagpapaigting ng suporta para sa Brigada Pagbasa, at TAMAng Aklat para sa Lahat Program ni Mayor Malou F. Morillo, kung saan ang pinakalayunin nito ay maturuan ang mga bata na matutong magbasa.
Kabilang din sa mga gawaing inilatag nila ay ang mga sumusunod: Beads Accessories & Diamond Painting, Heat Shrinking Art, Fabric Heat Press, at Button-Pin Making Art.
Samantala, katuwang sa nasabing aktibidad ang Sangguniang Barangay ng Guinobatan, Guinobatan Barangay Reading Center at Sangguniang Kabataan ng Guinobatan, sa pamumuno nina Punong Barangay, Hon. Pedro B. Ilagan Jr. at SK Chairperson, Hon. Jhon Emman M. Villafranca.