Binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang kasalukuyang nagaganap na “Integrated Planning Course on Incident Command System
(IP-ICS) for Local DRRM Council Members of Calapan City, Oriental Mindoro” – Day 3 na ginanap sa Ferraren Hills Resort, Barangay Lumangbayan, Calapan City, nitong ika-17 ng Hulyo.
Ito ay 5-day activity na isinagawa sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA sa pakikipagtulungan sa City Government of Calapan, sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Department, sa pamumuno ni City DRRM Officer, Mr. Dennis T. Escosora na nagsimula nitong ika-15 at magpapatuloy hanggang ika-19 ng Hulyo.
Ito ay dinaluhan din ng mga hepe at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, gayundin ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang bawat indibidwal na kalahok na makiisa sa talakayan, pagpaplano, pagpapalitan ng kaalaman at iba pa na nakapokus sa mga hakbang o operasyon, sa pamamagitan ng pag-iimbak ng mga mahahalagang kaalaman at paghahanda ng kakayahan, na siyang kapaki-pakinabang sa epektibong pamamahala sa panahon ng sakuna.