Ika-16 ng Hulyo, dinaluhan at sinaksihan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang matagumpay na pagbubukas at pagsisimula ng
programang “LUNSOD LUNSAD: ASCEND Creative Entrepreneurship Training Program”, ginanap sa Vencio’s Garden Hotel & Restaurant, Barangay Tawiran, Calapan City, na magpapatuloy hanggang ika-18 ng Hulyo.
Ang ASCEND Creative 3-Day Activity ay naglalayong saklawin at talakayin ang mga mahahalagang paksa, para sa pagpapaunlad at pagpapahusay ng mga kasanayan sa loob ng Creative Industries, kung saan ito ay komprehensibong programa sa pagsasanay na idinisenyo, upang bigyan ang mga kalahok ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman, upang matukoy ang mga oportunidad, malampasan ang mga hamon, at matagumpay na makapagsimula o mapalawak ang kanilang negosyo.
Naisakatuparan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng Philippine Trade Training Center, sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro at City Government of Calapan, sa pangunguna nina Executive Director PTTC Ma. Fe Avila, DTI ORMIN Provincial Director Arnel E. Hutalla, CESO V, at City Mayor Malou F. Morillo.
Nagbahagi naman ng kani-kanilang kaalaman ang mga mahuhusay at kilalang tao sa industriya na sina Mr. Pocholo Gonzales, Mr. Jayjay Delos Santos at Mr. PJ Lanot, kung saan layong maisakatuparan ang collaborative discussion, patungkol sa iba’t ibang paksang may kaugnayan sa concept of creativity, creative business planning, at marketing the creative enterprise/ product.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng mga kawani mula sa Calapan City Trade and Industry Department, sa pangunguna ni City Trade and Industry Officer EnP. Amormio CJS Benter, CESE, kung saan nakasama nila rito ang mga kalahok na creative individual mula sa lalawigan at lungsod