Nazareto Homeowners Assoc

Ipinagkaloob ng City Government of Calapan sa Nazareto Homeowners Association ang tulong pinansyal na ipinangako ni City Mayor

Marilou Flores-Morillo na nagkakahalaga ng P825,100.00, bilang pambayad sa individual lot survey ng nasa 343 na miyembro at tulong pinansyal sa pagpapagawa ng kanilang Bahay-pulungan.
Ang Nazareto Homeowners Association ay nasa ilalim ng CMP-Community Mortgage Program na tinutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Ang mga benepisyaryo ng CMP ay mga Informal Settler Families (ISF) sa Sitio Silangan, Barangay Lazareto.
Katuwang sa nasabing aktibidad ang City Housing and Urban Settlements Department na pinamumunuan ni CHUSD Officer Engr. Redentor “Jojo” A. Reyes, Jr.