Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Serbisyong TAMA para sa Barangay Biga | – Calapan City Official Website

Serbisyong TAMA para sa Barangay Biga |

PATULOY NA ‘SERBISYONG TAMA PARA SA BARANGAY’ NG CALAPAN LGU, ISANG HALIMBAWA NG MALASAKIT SA MAMAMAYAN


Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang Lungsod ng Calapan ay patuloy na nagbibigay ng mataas na antas ng serbisyo sa mga mamamayan nito sa ilalim ng programang Serbisyong TAMA para sa Barangay ngayong ika-8 ng Hulyo, isinagawa ang Barangay Caravan sa Biga Elementary School, isang mahalagang inisyatibo na naglalayong magdala ng iba’t ibang libreng serbisyo sa komunidad.
Sa nasabing aktibidad, pinangunahan ni City Administrator Ms. Penelope D. Belmonte at Serbisyong TAMA Center. Kasama rin niya sa pagtulong sina City Councilor Atty. Jel Magsuci, Chief of Staff Mr. Joseph Umali, Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns Mr. Jaypee Vega, dating Konsehala Ms. Mylene De Jesus, at Ms. Agatha Ilano.
Maraming mamamayan ang nakinabang sa Barangay Caravan, lalo na sa mga serbisyong medikal. Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, naging matagumpay ang programa sa pagbibigay ng libreng konsultasyon at gamot sa mga residente ng Biga. Hindi lamang serbisyong medikal ang kanilang natanggap kundi pati na rin ang iba pang mahahalagang serbisyo na handog ng pamahalaang lungsod.
Ang patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad ay nagpapakita ng tunay na malasakit at pagsusumikap ng pamunuan ng Calapan na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan. Sa pangunguna ni Mayor Morillo, ang Serbisyong Tama ay nagiging instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa bawat sulok ng lungsod.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, ang Lungsod ng Calapan ay patuloy na magiging modelo ng mahusay na pamamahala at tunay na serbisyo sa bayan.