Sa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ni CENR Officer Mr. Rodel M. Boyles, at
Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naisagawa ang aktibidad na pinamagatang “Participatory Consultation and Levelling-Off on Urban Biodiversity Conservation- Identification of Green Spaces in Cities and Urban Biodiversity Assessment and Profiling” ginanap sa Conference Room Executive Building, City Hall, nitong ika-5 ng Hulyo.
Ang tanggapan ng CENR ng Socorro ay tinatrabaho ang proyektong “Urban Biodiversity Conservation” na nakatutok sa identification, profiling at assessment, ng green spaces sa mga urban area, upang makapagbigay ng mas mahusay na pag-unawa at pagsusuri ng biodiversity at ang kanilang ecosystem services. Ang Lungsod ng Calapan ang napili, bilang subject ng nasabing proyekto, dahil sa kasaganaan ng urban areas sa lungsod.
Layunin din ng nasabing proyekto na tukuyin ang mga priority conservation areas/habitats sa mga urban area at makapagbigay ng mga input para sa isang localized Urban Biodiversity Index at kaukulang sistema ng pamamahala ng impormasyon na naglalayong mapanatili ang pangkalahatang kalusugan ng biodiversity.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan nina City Planning and Development Coordinator EnP. Joselito R. Bautista, City Environment and Natural Resources Officer, Mr. Wilfredo G. Landicho, at Tourism Operations Officer, Mr. Christian E. Gaud, gayundin ng mga kinatawang opisyal mula sa iba’t ibang barangay sa Calapan.