Isang makabuluhang gabi ng masayang pagtitipon ang matagumpay na naisakatuparan sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol
Complex, Barangay Camilmil, nitong ika-30 ng Hunyo, kung saan idinaos ang “Pride Ball”, bilang bahagi ng pagdiriwang sa “Oriental Mindoro Pride 2024”.
Tampok sa nasabing aktibidad ang mga kasapi ng LGBTQIA+ community sa lalawigan at lungsod na buong pusong tumindig, dala-dala ang talino at kakayahang makapag-ambag para sa lipunan, kaya naman sa gabi ng kasiyahan, pagtanggap at pagpapahalaga ang iginawad para sa kanila.
Sinusuportahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang kanilang mga hakbang at magagandang adhikain para sa komunidad, gayundin sina City Councilor, Atty. Jel Magsuci, at Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns).
Dagdag pa rito, nilagdaan ni Governor Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor ang ordinansang nagtatakda ng selebrasyon ng Pride Month sa Oriental Mindoro, tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo.