Muling nagpakita ng hindi matatawarang suporta si City Mayor Marilou Flores-Morillo
para sa mga kabataang nagsipagtapos sa larangan ng sports tulad ng Taekwondo, Arnis, Wushu, Volleyball, at Basketball. Ang TAMA Sports Clinic, Music and Arts Workshop ay naglalayong ipakita ang patuloy na pagsuporta ng administrasyong Morillo sa mga kabataan sa kanilang paglago at pag-unlad sa iba’t ibang larangan ng sports.
Sa pamamagitan ng suporta at pagtitiwala ni Mayor Morillo, mahigit sa pagbibigay ng parangal at pagkilala ang ibinibigay sa mga nagtapos na mga kabataan. Ipinapakita rin ng lokal na pamahalaan na ang bawat tagumpay at pag-unlad ng mga kabataan sa sports ay mahalaga at dapat ipagmalaki ng buong komunidad.
Ang patuloy na suporta ni Mayor Morillo sa mga kabataan ng Calapan City katuwang ang City Youth and Sports Development Department sa pamumuno ni CYSDD Officer Marvin Panahon ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon at pangako na patuloy na magsilbing gabay at inspirasyon sa kanilang mga pangarap.