Sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naibaba ng Pamahalaang Lungsod
ng Calapan sa Barangay Canubing I ang “Mobile Botika ng Bayan” sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department, sa pamumuno ni City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, at City Socialized Medical Health Care Office, sa pamumuno ni CSMHCO Program Manager, Ms. Julieta M. Paduada, RSW, ginanap nitong ika-25 ng Hunyo.
Layunin ng nasabing programa na mailapit ang health center sa mga barangay, sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo, katulad ng pamamahagi ng libreng gamot, pagkakaloob ng libreng eye glass para sa mga senior citizen at person with disability, at iba pang uri ng serbisyong medikal.
Samantala, katuwang din sa nasabing gawain sina Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy (Volunteer), Former City Councilor Ms. Mylene De Jesus, at Ms. Agatha Ilano (Volunteer).