BARANGAY STA. ISABEL SEÑIOR CITIZEN VALIDATION

Ang naturang Senior Citizen Validation ay isinagawa upang malaman kung kuwalipikado

sina lolo at lola na maging benepisyaryo ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod at sila ay hindi nakatatanggap ng social pension mula sa National Government.

Ang validation ay upang makuha ang kanilang profile information at maberipika kung sila ay pasok na mapabilang sa nasabing financial support mula sa city government sa pangunguna ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo.

Samantala, sa pagkakataon na magkaroon ng problema o katanungan sa aplikasyon at kuwalipikasyon upang mapabilang sa nasabing programa, agaran naman itong nabigyan ng kasagutan at linaw sa pamamagitan na din ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Department sa pamamahala ni Madam Juvy Bahia RSW, na siyang nanguna sa nasabing validation.