LUMANGBAYAN SENIOR CITIZEN NIGHT 2024

Walang pagsidlan ng galak ang ating mga lolo at lola mula sa barangay Lumangbayan, nang personal na nakisaya sa

kanila ang butihing Ina ng Lungsod, City Mayor Marilou Flores-Morillo.

“Mga TAMAng desisyon sa buhay , TAMAng mga payo dahil sa malawak na karanasan at napagdaanan, TAMAng gawain at hakbang, ilan lamang ito sa patuloy  na ibinabahagi sa atin ng ating mga lolo at, kaya nararapat lamang na sila ay ating bigyan ng lubos na kasiyahan, aruga at pagpapahalaga ” – Ito ang mga salitang binitawan ni Mayor Morillo sa nasabing Senior Citizens Night na isinagawa sa Lumangbayan gym, na pinangunahan ng kanilang Punong Barangay, Rowena Bonila Mallari.

Tunay ngang ang ating mga lolo at lola kahit matatanda na ay hindi parin natatapos sa kanilang tungkulin at laging nandiyan pa rin upang siguraduhin na ang kanilang pamilya, mga anak, hanggang sa mga apo ay hindi mapapahamak.

PARA KINA LOLO AT LOLA, PAGMAMAHAL AT PAGPAPAHALAGA PO NAMIN SA INYO AY WALANG HANGGAN AT SOBRA-SOBRA!